top of page

Pinagtagpo pero Hindi tinadhana

  • Larawan ng writer: driaman
    driaman
  • Hun 3, 2018
  • 7 (na) min nang nabasa

Uso, nakiki uso lang ba? hindi...Oo cliche na to, gasgas na sa Social Media. Pero sa realidad, masakit ito. 

Hindi pa kita  kilala pero laman kana ng dasal ko, madalas akong manalangin na sana kung darating ka, ikaw na yung huli. Lahat ng senyales, ikaw at ikaw ang tinuro madalas nag-iisip ako kung tama ba ang basa ko pero mukhang oo naman. 

Alas Syete ng umaga nung August 30, 2017 nang mistulang huminto ang takbo ng buhay ko. Nasaksihan ko kung paano ka unti-unting mawalan ng buhay. Nalamig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin; iiyak ba ako? magdadasal, hahagugol, hihingi ng tulong? Ano !?! Rizza Ano? Hindi ko alam. Halos wala akong maalala, wala ako sa katinuan nung araw na yun. 

Madalas man tayong nagkakatapuhan pero sa loob ng Limang taon na tayoý magka kilala, masasabi kong yun na yung araw na Masaya ako. 

Nang sumali ako sa Ministry of the Altar, di ko lubos maisip na ikaw ang magiging plot twist ng pagiging sakristan ko.  Meeting noon nung una kitang makausap, feeling close ako oo, katabi kita pero may malaking agwat at ako naman ay lumapit sayo para makipagkilala. Pero hayop kang lalake ka anong ginawa nung nagpakilala ako sayo? tinignan mo lang ako sabay balik ng attention mo sa laptop mong pink. Sino namang matinong new member ang magla-laptop sa kalagitnaan ng meeting? Ikaw lang nakaisip nun, habang ako gigil na gigil kasi nga napahiya ako buti nalang andun si Jo Anne na kasama ko. 

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan natapos na ang mga training at commissioning. Nakakasama kita madalas na mag serve parehas tayong active noon. Nawalan ako nang gana na makipag kwentuhan sayo, halos lahat ng server noon ka close ko, ikaw yung laging mag-isa asa sulok ng sacristy busy gumagawa ng sarili mong mundo. Weird ang tingin ko sayo nun; mag-isa, tahimik,baduy, namimili ng kausap. One time, nakita kita nag dra-drawing ng One piece character si Luffy. Nagulat ako, duh anime yun hilig ko, di ko napigilan na magtanong about sa anime. Sakto, parehas pala tayo ng hilig which is rare sakin dahil nga walang otaku ( di ko alam kung appropriate yung term ko) sa klase namin kundi ako lang. Minsan nag-serve tayo kasama si Emson, after mass naiwan ko yung Id ko sa sacristy tapos nauna na akong umuwi. Bigla kang nag-text sakin para ipaalala yung naiwan ko. Nagtataka ako kung san mo nakuha yung number ko, never mo naman hingingi o binigay sayo yun. At dun na nga tayo nagstart na maging close. Madalas tayong magka-text madalas walang topic at puro flood war lang na inaabot tayo ng madaling araw. Ako send to many lang ako samantalang ikaw tinesting mo sakin yung ginawa mong program na project mo sa comsci subject mo, nakaktangap ako ng 200+ msgs na puro blank. Naging open ka sakin sa text, about sa personal life mo. Kahit mga life and death situation sinasabi mo sakin. 

Summer term ng 2013, dalawa lang tayong nag-serve tuwing Mass. Hanggang napilitan akong mag commentator/reader tapos ikaw sacristan tapos si Father, Tatlo lang tayo sa loob ng chapel nun. 

Close na tayo nun, kaso mailap ka pa rin, di mo ako halos kinakausap sa public pero sa text sobrang daldal mo. Tuwing service lagi mo aking gina-guide syempre ikaw batikan ng sakristan ako baguhan lang. Meron pa yung after mass, sinabihan mo ko na ayaw mo na akong katabi kasi malikot ako. Syempre nag sorry ako tapos tinawanan lang kita. Field Practitioner na ako, asa Pangasinan na ako nun samantalang ikaw second year kana. Madalang akong umakyat nun, tuwing exams lang ako nasa school hindi ko narin magawa yung tungkulin ko bilang Vice Chairman ng Ministry. After Midterm exam nun, tumamba ako sa old parish office, napansin ko na halos lahat ng parish volunteer my rosary bracelet. dahil itchusera nga ako tinanong ko si Rox, sabi niya galing yung kay Fr. Carolous. Tinanong ko si Father bat ako walang bracelet, sabi niya sakin sayo ko daw itanong. Knowing Father, may halong pang-aasar at malisya sabi " Uyyyyyyyyyyyy". Ako naman tinext kita agad nun hangang sa napa amin kita na crush mo nga ako (Bilang Social Worker May skill kasi ako na tinatawag na Probing). Umamin ka nun sakin, ako naman medyo kilig kasi alam ko sa sarili ko na medyo crush kita kahit hindi ka ganon ka good-looking pwera nalang kung bagong  gupit ka. 

Year 2014, matagumpay ako nag-graduate ng College. Hiniling ko na sana mag-serve ka sa Baccalaureate Mass nun. Malang hindi mo ako binigo nun, andon ka hangang matapos yung program at dun lang tayo nagkaroon ng first picture together. Medyo ang awkward nung time na yun. 

Graduate, pumasa ng boards at nagka work ako, never kong kinalimutan ang Parish at service. Naiwan ka sa Baguio at patuloy na maging active server. Samantalang ako, akyat baba ako ng Baguio nag-serve parin tuwing off ko kasi alam ko na dun ako masaya at pasasalamat ko yun kay Lord sa mga biyayang tangap ko. 

Never tayong nawalan ng communication, never kang nakalimot lagi parin tayong magka text at chat. Umakyat ako ng Valentines 2015, weekends yun group date tao nun kasama ang ministry. Dun nasundan yung second picture natin together. Mas close na tayo nun, nag-uusap na tayo sa public nag-aasaran. Sinabi ko sayo nun na may nanliligaw sakin nun, nung una wala ka reaction pero nung mga sumunod na araw umamin ka na Mahal mo ako. Alam mo kung anong pakiramdam ko nun? Parang asa alapaap ako, parang kinikiliti yung paa ko, totoo pala yung mga butterflies sa stomach. Ikaw nag-confess sa akin? totoo ba? Sabi mo after o pagkagraduate mo sa college liligawan mo ako. Turn down ko agad yung manliligaw ko, naalala ko siguro ikaw na yung sagot sa panalangin ko kay Lord noon. March nang officially nanligaw ka, di kana naka antay third year college ka na noon di mo na naantay na mag-graduate muna. Nakakatuwa kasi madalas nang mga nag date sa sinehan o sa restaurant nag pupunta, samantalang tayo sa AniCraze o anime convention nagpunta. 

June 3, 2015 3:07 pm kausap kita sa phone nang sagutin kita. Minura-mura mo ako kasi sa wakas girlfriend mo na ako. Sinagot kita hindi lang dahil mahal kita, alam mo never kong sinabi sayo pero sinagot kita dahil alam kong ikaw na talaga. Marami tayong commonalities; anime, pagkain, pananampalataya sa Diyos, Buwan ng Kapanganakan, mga bagay na kinakainisan etc., pinaka gusto ko sa lahat sa bahay tayo ng Diyos nagka kilala.

Pero hindi madali ang lahat, dahil ka-love triangle  natin si Lord, August the same year nung Vocation week nag-asist ka ng mga Pari, Brothers and Sister nun. LDR tayo syempre, sinabi mo sakin na gusto mong Pari excited mong binalita sakin yun. Samantalang ako, minura kita at first time kong umiyak about sa relason natin. Sabi ko sayo noon, sana hindi mo nalang ako niligawan, sana di nalang naging tayo kung mag Pari ka lang din. Hindi na ako nagsasalita umiiyak lang ako nun, sabi mo sakin na may narealize ka... "Mahal, ikaw nalang ang bokasiyon ko ang swerte ko sa iyo. Huwag ka nang umiyak kasi mahal kita, pwde naman akong mag serve na hindi nagpa-pari". Ang swerte ko, at may taong ganito pala. Simula nun sabi ko hindi na kita papakawalan, laman ka parin ng panalangin ko nagpapa salamat ako sa Diyos na ipinagkaloob ka niya sakin. 

Naging Chairman ka ng Ministry of the Altar. Pakiramdam ko talaga na ito yung nagbago sa buhay mo. Alam ko nahirapan ka, na stress ka, alam ko gusto mong iyakan to, alam ko kung paano nasubok ang pagiging Raphael mo. Pero alam ko na isa ito sa nag-pasaya ng buhay mo. Pakiramdam ko naging buo yung buhay mo nung naging chairman ka ng Altar. Nahirapan ka pero nagawa mo paring pagbukludin yung mga taon magkakaiba, mga taong ewan kong tao ba sila. Alam mo salamat sa iyo kasi nakilala ko rin sila yung tinatawag mo CHUPOLS. Madalas ka ring walang oras sakin nun kasi priority mo yung chairmanship mo, sobrang nahihirapan ka kasi transition ng new church tapos bagong Parish Priest.Tapos daming issue sa Ministry dun, madals sinisisi mo ko dahil naging chairman ka.   Partly oo may participation ako dun haha, pero alam mo naman na yun. kahit malayo ako sayo moral support mo ako. Pero alam mo na bilib na bilib ako sayo nun, lahat kinaya mo. 

Hindi tayo perpekto, nag aaway at maraming bagay ang hindi natin pinagkakaunawaan andyan na yung magiging possessive ko sayo, yung pag punta mo sa Minesky Infinite, Service sa church, pagiging selosa ko, at kung anu-ano pang petty things. Pero mas pinili pa nating ayusin yun kesa sa mag break, mas pinili nating pag-usapan at ayusin yun bago matulog. Ayaw kasi natin na matutulog tayo na may tampuhan. An swerte ko talaga sa iyo. Madalas mo ring sinasabi sakin kung gaano ka swerte sakin, na hindi ka na mag hahanap ng iba, na hindi mo na ako ipagpapalit, na ako na yung gusto mo makasama habang buhay. 

( tapos ko kanina yung content ng blog, kaso idk bigla hindi na save. so I need to change the content) 

Pero may mga bagay na beyond our control tulad ng death pero yung sayo, biglaan who would have thought na mamatay ka hours before your graduation? Pero kelangan kong tangapin na hanggang doon nalang ang kwento natin. Kahit mga superstitious belief ginawa natin para ma-ensure lang na tayo til the end. Imagine, never tayong nag partner as Thurifer and Boat pati pag punta sa pink sister na sabay di natin ginawa. Patunay to na kung di tinanadhana walang magagawa. 

Ang hirap nung nawala ka, sobrang masakit. Pakiramdam ko, ung original na ako ay nawala na rin. Hindi ko na rin kilala sarili ko, pati mga kaibigan natin unti-unting nawala. Hindi ko alam kung kasalanan ko kasi I tend to isolate myself or side effect na to ng mga pangyayare. Ewan. 

Pero yun nga, hindi naman ako pwde mag stay sa nakaraan,  I need to move forward. Alam ko it is not the end, BRB mahal see you sa mundo na binuo natin. Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita at alam ko na mahal na mahal mo rin ako. I love you so much Pagong/ Titan/ Abnormal, Raph. 

-Frog/ Alien/ Weird, Rizza 

P.s. #RpXRz6315 

1:57am

26 May, 2018 


 
 
 

Comments


NEVER MISS A THING

  • White Twitter Icon
  • White Facebook Icon
I'D LOVE TO HEAR FROM YOU

FOR BUSINESS INQUIRIES

Success! Message received.

bottom of page