top of page

Bakit ka nag-SAKRISTAN?

  • Larawan ng writer: driaman
    driaman
  • Hun 29, 2018
  • 3 (na) min nang nabasa

Bakit nga ba? hindi ko din alam.


Asa third year college at 18 years old na ako nung naging sakristan na ako. Matanda na ako pero hindi yun naging too late para mag silbi. Two weeks mahigit na training pagkatapos ng klase ko, lahat ng kasama ko noon pawang mga college student din. Marami kaming sumali sa Ministry of the Altar, organization sa aming school, humigit kumulang 100 kami pero sa dami namin hindi lahat naiwan at nag stay upang mag serve. Kanya-kanya rason ang mga ka batch ko noon. Ayan ang busy sa school, hindi magpagsabay ang acads at service. Meron pang pakiramdam nila na out of palce sila tuwing meeting, tuwing mass etc. May mga dahilan sila, lahat acceptable naman dahil nga at the first place asa University sila para mag-aral. Habang tumagal mas napapamahal ako sa pag-serve. Sa tuwing suot ko ang puting sotana habang nasa sanctuary ako sobrang saya sa pakiramdam, hindi ko maipaliwag.


Nung bago pa ako, Madalas hindi ko alam kung anong ginagawa ko, kasi hindi ako familiar sa mga gamit tuwing mass, ni hindi ko din alam kung ilang beses dapat papatunugin yung bell at kung kelan ba dapat. Pero G lang kasi ginusto ko yun.


Mas priority ko pa ang service noon kesa acads, mas gusto ko pang tumambay sa parish kesa sa library at ang mas matindi, mas maaga akong magising tuwing my high mass kesa sa pag 7:30 class ko.


Dati nung hindi pa ako altar server, tuwing papasok ako ng school, naka sandal or flat shoes ako pero nung sakristan na ako pati sapatos ko napalitan. Close shoes na ang gamit ko para maka pag serve ako after class.


Syempre hindi naman ako mapapamahal sa service at sa org kung hindi rin sa mga nakasama ko dun. Parang nakahanap ako ng bagong Pamilya yung tipong ang init ng pa welcome nila na ito yung pamilyang kaya mong sandalan sa buhay Kolehiyo mo. Syempre malayo ako sa family ko,mga two-hour drive hehe. Iba yung pinaranas nila sa kin na pagmamahal, new member ako pero hindi ko na-feel na outcast ako. Pati mga kasama namin sa Parish ganun din, medyo nakakatakot lang ang first impression ko sa kanila kaso yun pala kalog din pala parang ako. Nakahanap ako ng mga totoong kaibigan at syempre dito ko rin nahanap yung greatest love ko no. Yung mga kalokohan namin together side story na yun labas na nang service yun. hahaha


Nung naging officer ako, naranasan kong pagalitan ng Pari, umiyak kasi palpak yung service pati execution ng plans namin. Sobrang daming problema: Maruming sacristy, Kulang na server, jacket ng servers etc pero at least na solve din lahat.

Hindi ako yung batikan na Altar Server, pero yung pakiramdam meant to be ako para dito. Sa ngayon di na ako nag ser-serve, pero andun parin yung pagnanasa sa pagsisilbi yung saya na nakikita ko mga kabigan kong nag se-serve.


Tuwing may group message akong natatangap noon laging may nakalagay na "AMDG", "To love and Serve", "Keep the fire burning in serving God" at mga bible verse at ang aking favorite ay ang Psalm 124:8, "Our help is in the name of the Lord, Who made Heaven and Earth". Solid talaga.


Siguro kung magka-chance na magka anak ako, ikwe-kwento ko lahat ng happy and sad moments ko as Altar server para naman ma-inspire din siya mag serve.


So bakit nga ba Sakristan?

Simplehan natin.

Service, Family, Love, Compassion.

"Being an Altar Server Is Cool" - RWRA 2017


Photo Credits to +Raphael, Advance Happy Birthday :



 
 
 

Comments


NEVER MISS A THING

  • White Twitter Icon
  • White Facebook Icon
I'D LOVE TO HEAR FROM YOU

FOR BUSINESS INQUIRIES

Success! Message received.

bottom of page